Sa May Balkonahe
Sa kalaliman ng gabi sa may balkonahe
Ako'y nakaupo at nagmumuni-muni
Sa labis na pag-iisip ako'y napapikit
'Di ko na namalayan ang iyong paglapit
Sa aking pagdilat ako ay gulat na gulat
Nasa tabi kita at ako'y iyong yakap-yakap
Ito ba ay tunay na kaganapan?
O 'di kaya'y isang panaginip lamang
Ngunit sa labis na kasiyahan
Pag-aalinlangan ay aking kinalimutan
Puso ko'y nag-uumapaw sa kaligayahan
Dahil ang makasama ka ay isang karangalan
Subalit bigla kang nagpaalam ng tumunog ang orasan
Ako'y umiyak nagmamakaawa na wag mong iwanan
Ako'y niyakap ng mahigpit at nangakong muling magbabalik
Sa may balkonahe kung saan naganap ang isang magandang panaginip
No comments:
Post a Comment