Friday, October 15, 2010

Pinakamamahal: Roselyn Pansoy

Sa bawat problema, pagsubok at sakit
Kabiguan man tagumpay o hinagpis
May isang nilalang na maaasahan
Kabatakang-kumot ngayon at kailanman

Kapag ako ay naapi at nasaktan
Makikipagbunong braso kung kailangan
Upang pawiin at bigyang katarungan
Sakit at kaapihan kong naramdaman

Maging sa pagbagsak ko at paglagapak
Ako'y hindi nababahala sapagkat
Pagmamahal niya na tunay at wagas
Maglalaho lamang pagputi ng uwak

Kaya kung inyo lamang mamarapatin
Pagbigyan sana ang dakilang kong hiling
Ako'y samahan at bigyang pugay natin
Ang taong napakaespesyal sa akin

Siya ay tunay na minamahal
Aking ginagalang at pinahahalagahan
Aking kakampi sa kahit anong laban
Ang tanging ina kong PINAKAMAMAHAL

No comments:

Post a Comment