Friday, October 15, 2010

Awtor ng Pag-ibig: Roselyn Pansoy

Ang pag-ibig ay parang libro 
'Di mo pwedeng husgahan sa pamamagitan ng balat nito
Dapat munang buksan, basahin, at busisihin
Upang malaman kung tama ang nilalamang angkin

'Pag ito'y nabasa mo na't ginanahan ka
Magsisimula kang maniwala at magkagusto sa kanya
Aasa ka na tama ang lahat ng nilalaman niya
Hanggang sa ang puso mo'y mabihag niya

Sa umpisa walang kasing-saya ang iyong pagbabasa
Walang ibang tama at mapagkakatiwalaan kundi ang awtor niya
Subalit kinalaunan iyong napag-alaman
Awtor nito pala ay dakilang manloloko't puno ng kasinungalingan

Ang pag-ibig ay parang libro
Hindi mo malalaman kung tama at totoo
Hindi ka makakasigurong mapagkakatiwalaan ito
Kapag di mo alam ang tunay na pagkatao ng AWTOR nito

No comments:

Post a Comment